Thursday, April 15, 2010

MALIGAYA

Ang mga tao, Nabubuhay… Nalulungkot, tumatawa,. Anumang bagay ang kanilang ginagawa halos iisa lang ang ugat na dahilan ng lahat ng ito, para lumigaya

Para ganap na lumigaya ang isang tao, maraming bagay ang kailangan nyang gawin.


Kung kuntento na ang isang tao sa kanyang buhay maaring maligaya na sya, pero sino sino ba ang mga taong kuntento na sa kanyang buhay? Siguro yung ilang matatanda lang na wala ng mahihiling pa at tanggap na nila ang lahat lahat

Kung perpekto na ang buhay ng isang tao siguro saka nya lang masasabi na maligaya na sya. Pero parang imposibleng magkaroon ng isang perpektong buhay ang isang tao dahil sa dami ng mga problema na bago ganap na masolusyunan ay kailangan ng mahabang panahon.


Kung ganun pala, para maging maligaya ang isang tao ay parang paghahanap ng isang butil ng bigas sa dalampasigan. Sinasabi nga na ang tao daw ay walang pagka kuntento, ibig sabihin kung gaano nag-hahangad ang isang tao, ganun din katagal bago siya lumigaya.

Sadya bang ang kaligayahan ay sa langit lang matatagpuan?.
Pera, ito ang isang pinag gugugulan ng napakaraming tao ng kanyang panahon, ang mudo umiikot lang sa pera. Pero Mapapaligaya ba ng pera ang isang tao?. Nag-aaral tayo para magkaroon ng magandang trabaho o business, pag meron na tayo ng trabaho o business, dun naman tayo magpapaka busy para kumita ng pera at mabili natin ang gusto natin, magawa natin ang mga bagay na gusto natin pag may sapat na tayong pera, at ito ay para sa isang purpose para tayo ay maging masaya at kung maaari ay maging maligaya. Siguro buong buhay natin yun lang ang routine, mag-aral at mag-trabaho para bandang huli’ pera lang din ang isang pinaka malaking dahilan tapos di pa natin makuha. Oo hindi nga lang pera ang dahilan kung bakit tayo nag-aaral ito ay para din maging mabuting mamamayan tayo at sibilisado at magkaroon ng kaalaman Ngunit hindi natin maitatanggi na pera parin ang kinauuwiang dahilan kung bakit nating ginagawa ang mga bagay na ito, tulad ngpagaaral at pag ta trabaho.
Pano pag namatay ang isang tao? Sana manlang lumigaya tayo bago tayo mamatay pero pano nga ba tayo liligaya?. saka may oras pa para magawa natin lahat ng pangarap natin bago tayo mamatay? Kung hindi, e di hindi na tayo liligaya?.

Dahil nga imposibleng maging perpekto ang buhay natin, maging lubos na Maligaya ang isang tao, nagsisikap naman tayong tuparin ang mga pangarap natin. Yun ang mahalaga ang tayo ay magsikap hindi man tayo maging lubos na maligaya, maging masaya nalang tayo at makuntento, sa ganung paraan makukuha narin natin kahit isang kagat lang ng tinapay ng kaligayahan.

Yung mga masasamang bagay na dati natin nagagawa, hindi naman siguro makakapag pasaya sa atin yun, o makakapag-paligaya, pwera nalang kung doon tayo magiging masya, pero diba isipin naman natin, anong klaseng tao ba tayo kung sa pag-gawa ng masama tayo nagiging masaya.

Masarap maging masaya, masarap maging maligaya,.. kung wala na tayong hahanapin pa nakakalungkot lang ang tao masyadong mapag-hangad..

Pero ang pagiging masaya ng isang buhay hindi lang naman masusukat sa yaman,. Oo nga mayaman ka marami kang pera, sikat, may maipagmamayabang. Eto ang tanong ko sayo,. Sa isang araw ba nakakangiti ka at nasasabi mong wala ka nang mahihiling pa?.

Kaya sanatayo wag natin masyadong pakahangaring maging mayaman, ganun din naman yun magiging masaya kalang ng konti dahil mabibili mo ang gusto mo, baka nga hindi mo pa mabili lahat e dumami pa lalo problema mo. Ang mahalaga lang naman ay yung nakakapamuhay tayo ng payapa, at hindi tayo kinakapos. Syempre yung may maibahagi tayo sa lipunan.

Pag namatay tayo ala-ala nalang ang matitira sa atin kaya samantalahin natin ang hiram nating buhay makapag-iwan ng magandang ala-ala kahit manlang sa mga taong malapit sa atin.

Ang pagiging maligaya ay pagiging Malaya ng isip,isa lang tayo sa milyon milyong tao, na hindi naman lubos na maligaya, mayaman man o mahirap pano kung kapalaran mo nang mamatay bukas, pano na yung mga plano mo?. Wag mong sabihing matagal pa ang buhay mo walang nakakaalam nyan kundi ang diyos lang.

Ang sikreto ng pagiging maligaya ay ang tanggapin mo Kung ano ang sitwasyon mo sa buhay an gawin ang pinaka mabuti sa araw-araw na ipinag-papatuloy ng yong buhay, may kasabihan nga, Its not what’s on the other side, It’s the journey that matters magpasalamat sa diyos at ipanalangin na habaan pa ang atingg buhay upang sa araw-araw makangiti ka pa at makainom ng mainit na kape. Lagi nating tatandaan, Ginagawa natin ang lahat ng mga bagay sa araw araw para tayo ay lubos na lumigaya, wag nating ipagpapalit an gating kalusugan sa pagtatrabaho o sa anu pa mang bagay, ang ating kalusugan ang isang tunay na makapagbibigay sa atin ng kaligayahan.

Maipagpatuloy ang buhay at makagawa ng mabuti sa kapwa, makapag-iwan ng magandang ala-ala, makapag dulot ng ngiti sa mga nalulungkot.

Masaya kung nakakatulog ka ng mahimbing sa gabi, at pag-gising mo sa umaga nakakapag pasalamat ka sa maykapal para sa isang bagong araw dito sa balanseng mundong pinaglagyan nya sa atin.