Saturday, July 26, 2014

LIFE HACK

ARE YOU CONFIDENT?? http://www.lifehack.org/articles/communication/15-things-highly-confident-people-dont.html

Thursday, January 27, 2011

Ngiti,Tawa,Halakhak

Ano ba sa palagay mo ang kailangan para ang isang tao ay tumawa o maging masaya? siguro ang unang pumasok sa isip nyo ay mga nakakatawang bagay, Kalbo?, o si vice ganda. Paulit ulit? paulitulit?
si Poo kaya, o yung pag gaya kay manny pacquiao? mga impersonator ba o mga comedian sa comedy bar.

Magkano ba ang binabayad nyo sa isang gabi sa comedy bar para makarinig ng mga nagpapatawang mga professional na komedyante? papakantahin ka sabay may konting touch, pag medyo mabait ka may konting kiss pa sayo ang mga bakla, Sumasakit ang panga mo sa isang bagay na talagang nagpatawa sayo, minsan halos hindi ka makahinga sa sobrang tawa, minsan naman ay mapapasabay ka nalang tumawa kahit hindi mo nagets ang pinagtatawan, minsan naman nakiki ride ka nalang sa tawa ng kasama mo na masarap tumawa ang pusang galang hayop sa tindi ng tinamaang lintik na tawang yan!

Anut ano pa man ang mga bagay na nakapag patawa sa atin at nakapag papasaya sa ating araw ay dapat ikatuwa natin"Just smile and show your ngiping bungi". ultimo kahit pinakamaliit at pinakabaduy na bagay any napapangiti tayo, minsan kahit hindi natin kilala napapangiti tayo, kahit nga minsan ultimo complete stranger pa, halimbawa isang bungal nakita mo tumawa, aba mapapatawa ka narin kasi nakakatawa ang itsura nya pero nahihiya kang tumawa at baka magalit sya sayo at kagatin ka pa, kaya nga minsan kahit na tawang tawa ka na ay pinipigilan mo ang pagtawa, tatalikod ka nalang muna para hindi halatang tumatawa ka, pag talikod nya sabay halakhak ng malakas up to the maximum levelatious of the hihest maximum level baka mapautot ka pa at ang masama nyan baka hindi lang utot ang gawin mo, kung ano man ang nasa isip nyo yun na yon hanap ka nalang ng tissue paper at kung wala balat ng happy peanuts pwede na.

Masarap tumawa, masarap maging masaya, lalo na kung kasama mo ang mga minamahal mo sa buhay, dyowa, syota, gf, bf, puppet, best boyfriend, best girlfriend, best man, best nanay, tatay, kuya, ate, bunso, byenan, bayaw, tropa, mga pre, mga mare, kapitbahay, kahit mga miron lang na nakiki epal pwede na rin. basta ang mahalaga may kasama kang tumawa, kahit usapang bastos pag nagpapagupit ka sa barberong barbero mo.

kaya maging masaya lang tayo at tumawa ng tumawa maghapon magdamag for ever and ever until the time is trough, until the sun refuse to shine, until the end..

Thursday, April 15, 2010

MALIGAYA

Ang mga tao, Nabubuhay… Nalulungkot, tumatawa,. Anumang bagay ang kanilang ginagawa halos iisa lang ang ugat na dahilan ng lahat ng ito, para lumigaya

Para ganap na lumigaya ang isang tao, maraming bagay ang kailangan nyang gawin.


Kung kuntento na ang isang tao sa kanyang buhay maaring maligaya na sya, pero sino sino ba ang mga taong kuntento na sa kanyang buhay? Siguro yung ilang matatanda lang na wala ng mahihiling pa at tanggap na nila ang lahat lahat

Kung perpekto na ang buhay ng isang tao siguro saka nya lang masasabi na maligaya na sya. Pero parang imposibleng magkaroon ng isang perpektong buhay ang isang tao dahil sa dami ng mga problema na bago ganap na masolusyunan ay kailangan ng mahabang panahon.


Kung ganun pala, para maging maligaya ang isang tao ay parang paghahanap ng isang butil ng bigas sa dalampasigan. Sinasabi nga na ang tao daw ay walang pagka kuntento, ibig sabihin kung gaano nag-hahangad ang isang tao, ganun din katagal bago siya lumigaya.

Sadya bang ang kaligayahan ay sa langit lang matatagpuan?.
Pera, ito ang isang pinag gugugulan ng napakaraming tao ng kanyang panahon, ang mudo umiikot lang sa pera. Pero Mapapaligaya ba ng pera ang isang tao?. Nag-aaral tayo para magkaroon ng magandang trabaho o business, pag meron na tayo ng trabaho o business, dun naman tayo magpapaka busy para kumita ng pera at mabili natin ang gusto natin, magawa natin ang mga bagay na gusto natin pag may sapat na tayong pera, at ito ay para sa isang purpose para tayo ay maging masaya at kung maaari ay maging maligaya. Siguro buong buhay natin yun lang ang routine, mag-aral at mag-trabaho para bandang huli’ pera lang din ang isang pinaka malaking dahilan tapos di pa natin makuha. Oo hindi nga lang pera ang dahilan kung bakit tayo nag-aaral ito ay para din maging mabuting mamamayan tayo at sibilisado at magkaroon ng kaalaman Ngunit hindi natin maitatanggi na pera parin ang kinauuwiang dahilan kung bakit nating ginagawa ang mga bagay na ito, tulad ngpagaaral at pag ta trabaho.
Pano pag namatay ang isang tao? Sana manlang lumigaya tayo bago tayo mamatay pero pano nga ba tayo liligaya?. saka may oras pa para magawa natin lahat ng pangarap natin bago tayo mamatay? Kung hindi, e di hindi na tayo liligaya?.

Dahil nga imposibleng maging perpekto ang buhay natin, maging lubos na Maligaya ang isang tao, nagsisikap naman tayong tuparin ang mga pangarap natin. Yun ang mahalaga ang tayo ay magsikap hindi man tayo maging lubos na maligaya, maging masaya nalang tayo at makuntento, sa ganung paraan makukuha narin natin kahit isang kagat lang ng tinapay ng kaligayahan.

Yung mga masasamang bagay na dati natin nagagawa, hindi naman siguro makakapag pasaya sa atin yun, o makakapag-paligaya, pwera nalang kung doon tayo magiging masya, pero diba isipin naman natin, anong klaseng tao ba tayo kung sa pag-gawa ng masama tayo nagiging masaya.

Masarap maging masaya, masarap maging maligaya,.. kung wala na tayong hahanapin pa nakakalungkot lang ang tao masyadong mapag-hangad..

Pero ang pagiging masaya ng isang buhay hindi lang naman masusukat sa yaman,. Oo nga mayaman ka marami kang pera, sikat, may maipagmamayabang. Eto ang tanong ko sayo,. Sa isang araw ba nakakangiti ka at nasasabi mong wala ka nang mahihiling pa?.

Kaya sanatayo wag natin masyadong pakahangaring maging mayaman, ganun din naman yun magiging masaya kalang ng konti dahil mabibili mo ang gusto mo, baka nga hindi mo pa mabili lahat e dumami pa lalo problema mo. Ang mahalaga lang naman ay yung nakakapamuhay tayo ng payapa, at hindi tayo kinakapos. Syempre yung may maibahagi tayo sa lipunan.

Pag namatay tayo ala-ala nalang ang matitira sa atin kaya samantalahin natin ang hiram nating buhay makapag-iwan ng magandang ala-ala kahit manlang sa mga taong malapit sa atin.

Ang pagiging maligaya ay pagiging Malaya ng isip,isa lang tayo sa milyon milyong tao, na hindi naman lubos na maligaya, mayaman man o mahirap pano kung kapalaran mo nang mamatay bukas, pano na yung mga plano mo?. Wag mong sabihing matagal pa ang buhay mo walang nakakaalam nyan kundi ang diyos lang.

Ang sikreto ng pagiging maligaya ay ang tanggapin mo Kung ano ang sitwasyon mo sa buhay an gawin ang pinaka mabuti sa araw-araw na ipinag-papatuloy ng yong buhay, may kasabihan nga, Its not what’s on the other side, It’s the journey that matters magpasalamat sa diyos at ipanalangin na habaan pa ang atingg buhay upang sa araw-araw makangiti ka pa at makainom ng mainit na kape. Lagi nating tatandaan, Ginagawa natin ang lahat ng mga bagay sa araw araw para tayo ay lubos na lumigaya, wag nating ipagpapalit an gating kalusugan sa pagtatrabaho o sa anu pa mang bagay, ang ating kalusugan ang isang tunay na makapagbibigay sa atin ng kaligayahan.

Maipagpatuloy ang buhay at makagawa ng mabuti sa kapwa, makapag-iwan ng magandang ala-ala, makapag dulot ng ngiti sa mga nalulungkot.

Masaya kung nakakatulog ka ng mahimbing sa gabi, at pag-gising mo sa umaga nakakapag pasalamat ka sa maykapal para sa isang bagong araw dito sa balanseng mundong pinaglagyan nya sa atin.